do it unto others before they do it unto you
<
http://blogs.wnyc.org/vote2008/files/2008/11/obamalg.jpg

President na si Obama.

Ok.

Yun lang.

In fairness, dalawang araw rin akong tumutok sa CNN coverage ng US Presidential Election. Wala lang. Paki ko naman kung sino ang magiging presidente nila de ba? But the coverage itself made for engrossing infotainment. Hi tech! Ang ganda ng studio. Pati ang mga nagcu-cover, never nagmukhang ngarag.

http://www.necn.com/files/2008/11/05/vlcsnap-1465463.jpg

Never pa akong nakatuntong sa Steytz but salamat sa CNN ngayon alam ko nang two colors pala ang lupa sa US…. mapula sa gitna tapos kulay blue sa gilid-gilid. Angganda!

Pero ang pinakamahalagang rason upang tutukan ko ang CNN coverage ay…the silver fox…

http://edition.cnn.com/CNN/anchors_reporters/images/cooper.anderson.b.jpg

Yum-yumminess! Itsurang Calvin Klein model lang de ba? With brains!!!  May chismis of course na isang bekbek itong si Anderson Cooper. Hello. Kung nanay mo ay si Glori Vandebilt, parang tadhana mo naman yatang maging bekbek nuh.

At isang malaking carebare kung bekbek man ang Anderson nuh. Ganyan ang itsu, may brains tapos rich… magpapakachoosy pa ba ako? Wit na de ba? Gets na ng wasabi paste at kikoman, keber na sa chopstick,  dahil may i-habhab ko na siya ng hilaw! Anderson Cooper sashimi-habhab.

Ang fault lang na napansin ko is.. ano’ng klaseng eleksyon meron sa states?  Nakakaduda kasi. Biro mo maski magkakaiba ng time zone ang mga states across America, by the end of the day may presidente na sila! Anu yun? Mali ang ganun.

Dapat more than one week ang bilangan ng balota. Tapos dapat may reserbang balota sa likod ng bawat city hall na pang back-up kasi napakawalain ng mga ballot box ng election returns,di ba? Andaling mamisplace, parang cellphone lang.

At asan ang mga manila paper na gamit sa canvassing? Asan ang mga puyat na teacher? Asan yung mga botante’ng parang nagba-barhopping lang sa paglipat-lipat ng voting precincts?

Sad na masyadong delayed ang US kumpara sa atin sa election technology.

Charot.

November 6th, 2008 at 8:42 am