Last sunday isinama ko si Gbo sa tennis date namin nina Peter and Walter sa White Plains.
Ooooooo shala de ba? Nagtetennis ako sa White Plains. Bahagi ng pagpapanggap mayaman, bwahahaha. At sorry walang pangpictures dahil hindi naman yun ang topic nitong post na itu.

After ng game kunsaan nangarag si Gbo kapupulot kesa pagpumalo ng bola, we decided to drop by sa Bite Club along Katipunan. Ito yung nirerecommend ni Walter ng burger place na meron race burger na nagpapapanggap ng throw pillow.

We ordered the XXX burger na may tumataginting na 1lb ng beef, with gulaygulayan at tomatoes at drenched in cream cheese and mushroom sauce with potato wedges on the the side.

At pagdating ng order namin, daaaaaaay totoo siya. sinlaki siya ng fez ni Gbo….
Buti na lang, salamat sa derma ni Gbo, kasinlaki lang at hindi kasintextured ng burger ang fez ni Gbo.
Slightly kakorte lang, pero walang sesame seeds. Charos. Waherherher. Wabyu Gbo hehehehe!
Nilafang namin ito ng bonggang-bongga at syempre kailangang maghati kami para maubos. Grabe. Ansarap at mabigat sa tiyan which made us swear na yun na ang dinner namin that day dahil 6 pm na rin naman…
(…which of course meant na by 11 gutom na uli kami so lumabas uli kami at lumafang sa ng Dimsum sa Causeway Bay Resto sa Banaue. Light lang naman… beef balls, pork knuckles saka mafo tofu… sa kanin. Kasi matutulog na kami after…)